Archive for the ‘Spoken Word’ Category

LABOR OF LOVE: Taboan Poetry Festival

14 February 2011

8pm onwards

Tomato Bomb HQ, Xavierville Ave., QC

 

Featured Readers:

1. Diego Abad
2. Mikael De Lara Co
3. Gian Lao
4. Andrea Teran
5. Mia Tijam
6. Conchitina Cruz
7. Rafael San Diego
8. Corin Arenas
9. Mookie Katigbak-Lacuesta
10. Noelle Leslie Dela Cruz
11. Marne Kilates
12. Carlomar Daoana
13. Chris Mooney-Singh
14. Lourd De Veyra
15. Mike Coroza
16. Gemino Abad
17. Kris Lacaba
18. Khavn Dela Cruz
19. Krip Yuson
20. Jacob Walse Dominguez
21. Dave Buenviaje
22. Andrea Duerme
23. Keith Cortez
24. Allan Pastrana
25. Donal O’Flynn
26. and National Artist Virgilio Almario

Featured Performers

1. Jeff Pagaduan
2. Diwa De Leon
3. Las Bungageras
4. Actor’s Pleygrawnd

Organizers: NCCA and UP Institute of Creative Writing

 

Sue and Dakila @ NCCA - Phil International Arts Festival 2010 (Trinoma)

Hosted by:

Dakila Cutab and Sue Prado (URIAN Best Supporting Actress 2010) >>> pang TV5 na tayo, teh!

 

Special thanks to Prof. Joel Toledo

Advertisements
Tipong panahon ni lola na hinintay lumayas ang mga Hapon,
At bumilib s’ya ng todo kay lolo,
Dahil na-survive n’ya ang Death March.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
ituturing kang bayani.

Ang panahon na memorized ang tula ni
Francisco Baltazar,
Dahil hindi pa umaabot sa Pilipinas si
William Shakespeare,
At wala pa tayong konsepto ng orgasm ni
Pablo Neruda.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
nagpapakilig.

Sa sobrang tamis na pagsinta,
May insekto na madalas bumisita sa ‘yong inidoro,
‘Yung kapantay ng sahig na malapit sa punso.
Na kailangan mong mag-squat sa pag-ire,
At ingat na ingat sa pagtulak
Baka kasi sumabit sa ‘yong talampakan ang hapunan mo
N’ung nakaraan gabi.
At nae-excite ang mga langgam tuwing naaamoy
Ang nilalabas mong baho sa katawan.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
malala pa sa dyabetis.

Kasama rito ang pagpapasakal sa mga pamahiin;
Na kailangan nating dumalo
Sa 1st Friday Mass
Para makahiling ng grasya.
Bawal din magbigay ng panyo sa iyong ginigiliw.
Dahil gagawin lamang itong pamunas ng luha
O pagwagayway sa iyong paglisan.
P’wede kang magbigay ng dote,
Kahit pitong puno ng saging lang, p’wede na.
Kahit pitong puno ng mangga lang, ayos na.
Kahit pitong puno ng narra lang, sapat na.
Basta nakatayo sa pitong ektaryang lupa.
Pero bawal pa rin magbigay ng panyo,
At ‘yan ang mahigpit na bilin ng tatay ni lolo.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
mapagbigay at may pinaniniwalaan.

Okey lang sa’yo na bum’yahe ng
San Pablo, Laguna kahit nakatira ka
Sa Fairview, Quezon City nang balikan.
‘Yung handa kang languyin ang Pitong Lawa,
Feeling mo kasi mas romantic ‘yun kaysa
Magpakalunod ka sa Seven Seas.
Hindi ka rin mag-aatubili na mag-aksaya ng gasulina,
Kahit kaya mong mag-produce ng sobrang langis
Sa pagmumukha mo bunga ng matinding init ng panahon,
Para lamang makausap mo s’ya kahit sa loob ng isang oras.
Dahil ayaw mong sagutin mo ang mga tanong n’ya sa Formspring.
Para masabi mo na may open communication kayo.
At hindi puro “I like” lang ang gagawin n’yo sa Facebook.
At higit sa lahat hindi mo nanaisin
Na magkaroon kayo ng Jejemon type of relationship.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
moderno na may bahid ng nakaraan.

Kaya sana, kahit minsan,
Makaranas ako ng ganitong uri ng panliligaw,
Para kahit hindi kami magkatuluyan,
Masasabi ko na
“Ikaw na nga”…

P’wera Contra

Posted: 27/12/2009 in Spoken Word

Ipinanganak ako noong 1980’s
kung saan sa Batas Militar
ay marami pa ring nagtitiis.
Sabi nga ni Lourd de Veyra,
“panahon ‘yun ni Marcos na malapit nang mamatay.”
Nagsuntukan kaya sila ni Ninoy sa kabilang buhay?

Moving on…

Naging political detainee ang tatay ko.
N’ung nakalaya, guerilla pa rin.
Ang BFF ng tatay ko ay nainang ko,
na member naman ng Alex Buncayao Brigade,
sa panahong ‘yun na hindi pa sila kumakalas
sa Partido Komunista ng Pilipinas.

Ilang tao rin ang ‘di ko kakilala o maalala
na labas-masok sa bahay namin.
‘Yung iba, may dala pang armas.

‘Sang katerbang baril…
Pero hindi ‘sing dami ng mga nahukay sa gilid ng bahay ng mga Ampatuan.
Pang-rebolusyon lang ang aking nakikita.
Hindi pang private army.
So… kakaunti lang pala.

At dahil sa maaga kong exposure sa mga baril,
feeling ko naexploit ang aking musmos na kamalayan.

Kaya kinabukasn, nagpabili ako sa nanay ko ng
tape na Contra ng Konami.

Up
Up
Down
Down
Left-Right
Left-Right
B-A
B-A
Select
Start
30 lives!

Pagkaraan ng dalawang dekada,
pagkatapos kong kantahin ang “What’s Up?”
ng 4 non Blondes n’ung 25th birthday ko.
Naalala ko uli ang Contra ng Konami.

Ang galing nga eh!
‘Yung mga simpleng commands sa Contra ng Konami
ay sumasalamin pala sa buhay ko.

Up!
Sabi ng ex ko, “there’s no other way but up.”

Up!
May erectile dysfunction na ‘ata ako.

Napakalibog kong tao dati, nawala na ‘ata ng mojo ko.

Down!
See “Up” #2.

Down!
Ang pakiramdam ko n’ung nag break kami ng first gf ko.

Left-Right!
N’ung nag-aktibista ako dahil nagpapaka-righteous ako.

Left-Right!
“This this generation… rules the nation, with version.”
Pass the Dutchie on the left hand side, sabi ng Musical Youth.
Right. Tagalog ng “tama”.

B-A!
Psychology ang undergrad degree ko. And, no!
I can’t read minds. Maliban sa mga nagkakagusto sa ‘kin.

B-A!
Madalas kong sagot sa exams na multiple choice.
Ayaw na ayaw ko ang modified true or false, right minus wrong.
Pero mas madalas kong gawin ay magsulat ng dasal
sa mga test papers ko. Ito marahil ang dahilan kung bakit na ako atheist.

Select!
And collect.
Brotherly advise sa ‘kin ng bestfriend ko
n’ung 1st year high school kami.

Hanggang ngayon, single pa rin kami.
With baggage to go.

Start!
Tangina! Hindi ko na mareset ang nakaraan.

30 lives!
I’m 28
Turning 29.
Technically, 1 life bonus na lang ang natitira.

Pagkatapos nito, makapag-Start uli sana.

P’wera Contra.