Bakit walang nagkakagusto sa ‘yong lalake?

Posted: 06/01/2011 in Tula, yeah!

a Las Bungangeras Monologue (LBM)

 

May-i Fabros: One of the boys ka ba?

Cathi Reano: Strict ba ang parents mo?

Tere Cutab: Ano bang mayroon sa ugali mo?

All: O kusang panget ka lang talaga?

 

May-i: One of the boys ka ba?

 

Cathi:

High school pa lang magkaibigan na kayo,

Hindi man lang n’ya napansin ang lumaki mong suso

Sa inyong JS prom at pagka-gradweyt,

Martir ka, ‘teh, you’re willing to wait.

 

Tere:

Sa inyong pagsasama, ‘di man lang napuna,

Na ikaw ay nagdalaga at nagkaregla.

‘Di ka pa rin niya niyaya ng date na solo,

Kaibigan lang talaga ang turing n’ya sa ‘yo.

 

May-i:

Pagkatapos ng kolehiyo, kayo ay nagkita.

Ayaw pa rin n’yang pormahan ka talaga.

Sa coffee shop kayo ay muling nag bonding,

D’un mo nabuking, siya pala ay bading.

 

 

Cathi: Strict ba ang parents mo?

 

Tere:

N’ung bata ka, di mo na-experience ang tele-babad,

Lagi ka kasing nakatutok sa ‘yong intermediate pad.

Kahit slum book, ‘di ka nakapagsulat,

Dahil pati diary mo, magulang mo ang nagbubuklat.

 

May-i:

Pagdating ng college, nais mong maging independent.

Nagdormitoryo at pinilit magpaka-decadent.

Pero pinapauwi ka pa rin tuwing lingo ni daddy

Para labhan ni mommy ang iyong dirty laundry.

 

Cathi:

At nung tumanda ka ng konti, may nangahas na manligaw

Hanep sa spooting, mas nakakasilaw pa sa araw.

may dalang rosas, nagmano pa sa ‘yong magulang

Pero sa kanya ay ayaw, dahil IQ n’ya raw ay kulang.

 

 

Tere: Anong bang mayroon sa ugali mo?

 

May-i:

Halatang hindi mo alam na ang dating mo ay repulsive

Kaya ang kalalakihan, they find you abrasive.

Kahit na may mga araw na mukha kang maganda,

Huwag mo lang ibuka ang iyong bibig, panalo ka na.

 

Cathi:

Sabi ng iyong bestfriend, kakaiba ang iyong ugali.

Sobra-sobra ka raw kung maka-kalantari.

therefore, ang mga boys sayo ay nandidiri.

Pero ang akala mo, hindi ka pa malandi.

 

Tere:

Ito pa, over ka raw sa pagiging choosy,

Harap ka sa mirror, ‘teh, ‘di ka yummy.

Feeling mo lahat ng boys sa ‘yo ay attracted.

Hindi ka ba aware, likod mo palang, puro na blackhead?

 

All: O kusang panget ka lang talaga?

 

May-i:

Okay fine, hindi ka naman talaga pangit.

Oo na! marami na sa iyong naiinggit,

Baka sabihin mo naman na wala kami malasakit,

Pinagdarasal ka namin, madalas pang nakapikit.

 

Cathi:

O, sya, bumalik na tayo sa katanungan,

Kung bakit walang nagkakagusto sa ‘yong kalalakihan,

Sabi nga ni John Lloyd, “Para kang tae, ‘di p’wedeng paglaruan”

Hindi ka ba kikiligin sa banat na gan’yan?

 

Tere:

P’wede rin naman na hindi ka pa ready,

Sa relationship na feeling mo hindi ka steady,

Baka kailangan mo pang hanapin ang iyong sarili,

May darating din sa puso mo na mamamalagi.

 

May-i:

Kaya maghintay ka lang ng tamang panahon,

Ang mga bituin, malay mo maganda ang posisyon,

Lalo na ngayon, it’s year of the rabbit,

Baka may lulundag sa puso mo at mangangalabit.

 

Advertisements
Comments
  1. lili says:

    thanks sir for posting this.ayos yung poetry reading sa tomato bomb last friday.galing!may facebook account po ba ang las bungangeras?

    • dakobatute says:

      wala pa po silang facebook account. baka di kasi nila kayanin i-handle ang fame. hehehehe

      • lili says:

        wahaha e sir saan pang lugar po naghohold ng poetry reading?sana meron sila para malaman din ng iba to.sobrang enjoy talaga.first time ko makapunta sa poetry reading.

      • dakobatute says:

        Feb 6, Pasinaya Arts Festival. di ko pa sure kung saang room/theater un poetry/lit program. CCP. Bongga ang event na ‘to!

        Feb 14, “Labor of Love”: Taboan Poetry Festival. Tomato Bomb. 8pm. bongga rin ang event na ‘to. yun mga poets from vis-min, pupunta.

        kitakits!

  2. lili says:

    wow!sana makapunta ako!salamat sa info!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s