madalas, ‘di mo naiisip…

Posted: 11/06/2010 in Tula
madalas, ‘di mo naiisip,
mayroong umiisip sa ‘yo…

maaari mo s’yang tawagin sa
kung anu-anong pangalan.

bahaghari.

diwata.

anghel.

mga pangngalang nagtatago
sa samu’t saring talinhaga.

minsa’y iyong magugunita
sa larawan ng mga nakasalubong mo
noong nakaraan.

isang alaala
na hindi ka makalimutan.

isang pagtatanggi
na makapagbibigay sa ‘yo ng ngiti…
ng dalamhati.

tulad ng pagyakap mo sa isang lumipas
na bumubulong sa ‘yong kamalayan…

“madalas, ‘di mo naiisip,
mayroong umiisip sa ‘yo.”

(maaari ring basahin pataas)

para kay uno.

ika-10 ng hunyo 2010

lungsod ng mandaue, cebu.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s