minsan, naisip mo na ba kung paano ba talaga manligaw?

Posted: 08/06/2010 in Spoken Word
Tipong panahon ni lola na hinintay lumayas ang mga Hapon,
At bumilib s’ya ng todo kay lolo,
Dahil na-survive n’ya ang Death March.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
ituturing kang bayani.

Ang panahon na memorized ang tula ni
Francisco Baltazar,
Dahil hindi pa umaabot sa Pilipinas si
William Shakespeare,
At wala pa tayong konsepto ng orgasm ni
Pablo Neruda.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
nagpapakilig.

Sa sobrang tamis na pagsinta,
May insekto na madalas bumisita sa ‘yong inidoro,
‘Yung kapantay ng sahig na malapit sa punso.
Na kailangan mong mag-squat sa pag-ire,
At ingat na ingat sa pagtulak
Baka kasi sumabit sa ‘yong talampakan ang hapunan mo
N’ung nakaraan gabi.
At nae-excite ang mga langgam tuwing naaamoy
Ang nilalabas mong baho sa katawan.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
malala pa sa dyabetis.

Kasama rito ang pagpapasakal sa mga pamahiin;
Na kailangan nating dumalo
Sa 1st Friday Mass
Para makahiling ng grasya.
Bawal din magbigay ng panyo sa iyong ginigiliw.
Dahil gagawin lamang itong pamunas ng luha
O pagwagayway sa iyong paglisan.
P’wede kang magbigay ng dote,
Kahit pitong puno ng saging lang, p’wede na.
Kahit pitong puno ng mangga lang, ayos na.
Kahit pitong puno ng narra lang, sapat na.
Basta nakatayo sa pitong ektaryang lupa.
Pero bawal pa rin magbigay ng panyo,
At ‘yan ang mahigpit na bilin ng tatay ni lolo.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
mapagbigay at may pinaniniwalaan.

Okey lang sa’yo na bum’yahe ng
San Pablo, Laguna kahit nakatira ka
Sa Fairview, Quezon City nang balikan.
‘Yung handa kang languyin ang Pitong Lawa,
Feeling mo kasi mas romantic ‘yun kaysa
Magpakalunod ka sa Seven Seas.
Hindi ka rin mag-aatubili na mag-aksaya ng gasulina,
Kahit kaya mong mag-produce ng sobrang langis
Sa pagmumukha mo bunga ng matinding init ng panahon,
Para lamang makausap mo s’ya kahit sa loob ng isang oras.
Dahil ayaw mong sagutin mo ang mga tanong n’ya sa Formspring.
Para masabi mo na may open communication kayo.
At hindi puro “I like” lang ang gagawin n’yo sa Facebook.
At higit sa lahat hindi mo nanaisin
Na magkaroon kayo ng Jejemon type of relationship.

Gan’to ang gusto kong uri ng ligawan,
moderno na may bahid ng nakaraan.

Kaya sana, kahit minsan,
Makaranas ako ng ganitong uri ng panliligaw,
Para kahit hindi kami magkatuluyan,
Masasabi ko na
“Ikaw na nga”…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s