Mag-Iisang Taon na Sana ang The Batutes, Salamat sa Happy Mondays/Open Mic Gig (Bukas na Liham)

Posted: 08/06/2010 in Uncategorized

Subtitle: Batutaan, Batitian, Batutean

“The Cavern is to The Beatles as Mag:Net Katipunan is to The Batutes. Chos!”

– GP Abrajano

Halos isang taon na ang nakalilipas nang mapagkasunduan nina GP AbrajanoDakila Cutab at Siege Malvar na buuin ang isang Boy Band Balagtasan group na kilala sa tawag na The Batutes. Halos isang taon na rin ang nakalilipas nang unang magtanghal ang The Batutes sa Happy Mondays/Open Mic Gig. Samu’t saring reaksyon ang aming nakuha — may nalaswaan, may nabastusan, pero walang nalibugan. Ngunit ang mahalaga, kayo’y aming napatawa.

Naging saksi ang koponan ng Happy Mondays/Open Mic Gig sa aming ‘di inaasahang pag-angat. “Bumenta” kami, ika nga nila. Kami ang nagtuloy nang pawalang tradisyon na Balagtasan sa ating bayan. Wala mang sukat, nakakatuwa naman ang tugma. Ito marahil ang dahilan kung bakit kami laging ginagawang pang-huli sa mga programa. Kumbaga sa Flores de Mayo, kami ang Reyna Elena. Kumbaga sa Oscar’s, kami ang Best Actress. Kumabaga sa porn, kami si Maria Ozawa. Higit sa lahat, kumbaga sa banda, kami ang rockstars of Pinoy poetry scene (ikaw na ang maka-experience ng bonggang dressing room sa Ayala, mag-mirienda ng TGI Fridays at tilian ng kung anu-anong Glee Clubs! hehehe). Sabi nga namin, “The Good Looking Fellas – Bad Ass – Motherfuckers of Modern Day Balagtasan”.

Ngunit naging saksi rin ang Happy Mondays/Open Mic Gig sa aming ‘di maiwasang pagbagsak. Nakalulungkot… Nakakabiyak ng puso… at “nakapanghihinayang” sabi pa ng ilang miron (lalo na ‘yung baklitang bakulaw na nagmamaganda sa Sarah’s). Nagkaroon kami ng ‘di pagkakaunawaan, away at pikunan. Palakihan ng ego at titi (akin ang pinakamalaki, fyi) na nauwi sa hiwalayan (sorry, walang break up sex).

Gayunpaman, ako, bilang isang indibidwal, bilang makata, ay lumago ang karanasan sa paglikha ng tula sa buhay na karanasan na naiwan sa akin ng mga dati kong kasama. Nawa’y nakapag-ambag ako sa munting kasaysayan ng literatura ng ating henerasyon. Dahil dito, ipinaaabot ko ang taos-puso kong pasasalamat sa lahat ng bubuo ng Happy Mondays, Open Mic Gig at Mag:Net Katipunan.

At sa aking pagsaludo kina Carlos “Joel” Malvar at Gene Paulo Abrajano.

Hanggang sa susunod na pagbigkas!

ALAK NA!

p.s.
H’wag n’yo ko gaano ma-miss mga putanginanyo, isang oras lang ang layo ko sa inyo, at hindi ako importanteng tao! hehe hehe!

“The Batutes: mga salot ng lipunan, pero mga crush ng bayan!”

– Siege Malvar

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s