Ako lang siguro ang hindi nanood sa laban ni Pacman

Posted: 11/11/2009 in Tula
Tags:

1
mag-uumpisa na ng digmaang kay tagal inabangan
ultimo ang mga kleriko-pasista ay nakipagpustahan
pati ang pera ng taumbayan ay sinabak sa sugalan
sa gera ng dalawang bansa na tila’y nagsasakupan

ngunit nakapagtataka ba kung hindi ko sinilip ang laban?
ako’y hindi saksi sa bagong pahina ng kasasaysayan
sa sagupaan nang tinuringang “the people’s champ”, si pacman
siguro, kusa na wala akong pusong makabayan

2
sa kabila ng lahat, ang krimen sa lansanga’y bumaba
ang mga lumpen ay naglilibang sa kanilang lungga
sa kanilang tagayan, kanya-kanya silang dayaan
pagkatapos nito, sila naman ang magsusuntukan

ang mga may pera, sa paboritong bar didiretso
sila, sa alak di’y magpapakalango, ang oras, alas-otso
“hindi sulit ang bayad!”, sabay-sabay nilang reklamo
dahil sa loob ng anim na minuto, nanalo na ang ating kampo

3
sa pagbalik ni pacquiao, mayroong mala-fiestang parada
tatahakin ang kalye ng may mamahaling lampara
katabi ang mga paruparo at bulaklak ng maynila
at agad na tutungo, sa kaharian ng mandaraya

babatiin, papalakpakan, kanya-kanyang kamayan
ng mga hangal at magnanakaw ng bayan
at kinabukasa’y nasa harap sila ng pahayagan
taga-palasyo, sinapawan ang dala niyang karangalan

4
gayun pa man, kahit papano’y ako’y natutuwa
ang pinoy, pansamantalang tumaas ang diwa
sa mga oras na iyon, hindi tayo mukhang kawawa
at sa susunod na sagupaan, suporta sa kanya’y walang sawa

ngunit, nawa’y inyong intindihin at patawarin
sapagkat hindi ko ito muling papanoorin
ang nangangati kong dila ay may nais tanungin:
si manny lamang ba ang kikita sa inyong panalangin?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s